August 16, 2014

May posibilidad na maulit muli ang nangyaring aksidente noong isang araw sa MRT na kung saan mahigit 30 ang nasaktan, ayon sa tagapagsalita ng kumpanya na si Hernando Cabrera.

Sa "Yes or No" ng Bandila nitong Biyernes ng gabi, inamin ni Cabrera na siya mismo ay hindi rin nasiyahan kahit minsan sa pagsakay sa MRT kapag rush hour.

Payag naman daw siyang pasakayin ang kanyang sariling pamilya sa MRT "kung kinakailangan." - Bandila, Agosto 15, 2014