Posted at 12/19/2014 11:51 AM

MANILA – Bukod pa sa paglilinis, pinagkaabalahan rin ng mga janitor ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang paglalagay ng mga dekorasyong gawa sa mga recycled materials sa mga istasyon ng tren.

Iba-iba ang tema nag mga naturang dekorasyon sa 13 istasyon ng MRT.

Sa istasyon sa Guadalupe, merong gallon ng panglinis na ginawang Santa Claus at mga Snowman. Ginawa namang Christmas tree ang mga nagkalat na sanga sa EDSA.

Sa iba namang mga istasyon, ginamit ang mga tissue holder, pamaypay, dyaryo, plastic cups at plastic bottles sa mga parol at Christmas tree.

Sa istasyon sa Quezon Avenue, tampok ang sikat na cartoon characters na sina Spongebob at Patrick.

Sa Ayala station naman, Snowman ang naging tema. Gawa ang Snowman sa mga forms na hindi na ginagamit.

--Umagang Kay Ganda, 19 December 2014