By Aries Cano | December 29, 2015 | Abante
Kabado si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, tumatakbo sa pagka-senador, sa nilalaman ng bagong ‘maintenance contract’ na pinasok ng Metro Rail Transit (MRT-3) na ini-award diumano nito nang walang bidding sa isang Korean company.
“The DOTC is saying that there is an emergency to fix the problems but they are not saying that they are the ones who caused it. This questionable deal should be probed... We have to check the deal and ensure that there is no hidden fare hike,” ani Colmenares.
Noong nakaraang taon, ang P65 bilyong halaga ng kontrata para sa extension ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 na ini-award ng DOTC sa Ayala-Pangilinan group ay may nakapalaman umanong taas-singil sa pasahe.